JUST IN: Phivolcs nagbabala! Peligro ng lahar mula sa Bulkang Mayon

 Pinayuhan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga residente sa labas ng six-kilometer permanent danger zone (PDZ) na humanda sa paglikas dahil sa posibleng pagragasa ng lahar mula sa Bulkang Mayon bunsod ng epekto ng ulan na dala ng bagyong Egay.



Sinabi ni Phivolcs director Teresito Bacolcol na maaaring dumaloy ang lahar sa mga dalisdis ng bulkan kabilang ang Mi-isi, Anoling, Quirangay, Maninila, Masarawag, Muladbucad, Nasisi, Mabinit, Matan-ag at Basud.


“The incoming tropical depression is expected to bring about prolonged and heavy rainfall which may generate syn-eruption lahars along major channels draining the Mayon Volcano edifice by incorporating loose material from thick pyroclastic density current (PDC) deposits and ashfall from the ongoing 2023 eruption,” ani Bacolcol.


Dahil dito, inaaalerto ng ahensya ang mga lokal na pamahalaan sa lugar na maghanda sa posibleng paglilikas sa mga residente para maiwasan ang anumang trahedya.


Nauna nang sinabi ng Phivolcs na posibleng pumutok ang bulkan sa susunod na mga araw o linggo dahil sa patuloy na pagtaas ng mga aktibidad nito. Nasa ilalim pa rin ito ng Alert Level 3.

.. Page Title

Comments

Popular posts from this blog

Joey De Leon posts about TVJ with Apo Hiking Society: “Wow Lima!”

Rendon Labador Admits The Price of His Viral “Motivational Rice” Drops at P50

JUST IN: INATAKE SA PUSO ANG ANAK NI LEBRON