‘Milk Tea’ ni Carlos Agassi binakbakan ng mga netizens
Binakbakan ng mga netizen ang bagong labas na rap song na “Milk Tea” ni Carlos Agassi.
Transphobic umano ang lyrics nito, ayon sa ilang netizen.
May sexual connotation ang lyrics kabilang na ang “milk tea”, na sumisimbolo bilang ari.
Sa lyrics, ipinahiwatig na habang nakikipagtalik sa isang binibini ang artist ay na-shock ito nang makitang “venti” ang “milk tea” sa pagitan ng mga binti ng kanyang katalik.
Aniya, sa dami raw ng binibini ay nakabingwit siya ng “binabae”.
Dahil dito, dismayado ang ilang netizen sa kanta ni Agassi:
@purriana_: “Transphobic ka na nga wala pa sa tono, pangit pa ng boses mo kasing pangit mo.”
@olibear199x: “Transphobic!!”
@BasurAndrea: “I’d rather listen to 24-hr loop ni Toni Fowler. This song is straight up transphobic.”
@azuma_ichi: “Mass report for transphobia.”
Ayon kay Agassi, ang kanta nila ng asawang si Sarina Yamamoto ay pampa-good vibes lang.
“Our song is meant to make people Lss, laugh good vibes, problem mo na if interpretation mo ng kanti ay nega or di maganda thats your right, kung laaitin mo itsura ko or talent ko below the belt na, humarap ka muna da salamin tignan mo itura at buhay mo, sumikat,” resbak ni Agassi sa isang basher. (IS)
…
Comments
Post a Comment