86-years old na lolo, Nakuhanan ng Larawan na nakaluhod habang taimtim na nagdadasal sa kaniyang higaan
Marami na sa ating ngayon ang nakakalimutan nang manalangin o tumawag sa puong may kapal sa tuwing tayo ay gigising at bago matulog marami na saatin ang nakakalimot na magpasalamat sa araw-araw na ibinibigay sa atin ng Puong may kapal sa araw-araw.
Hihintayin mopaba na ika’y magkaroon ng sakit saka mo lamang siya tatawagin?, hindi man ito bago sa maraming Pilipino ngunit isa lang ang takbuhan ng marami kapag sila’y nagkakaroon ng mabigat na nararamdaman ang Puong may kapal.
Ganito ang sitwasyon ng isang matandang lalake matapos makuhaan ng larawan ng isang netizen na si Nenita Dale nakunan niya ito ng litrato bago ang huling sandali nito na nalalabi sa mundong ibabaw saad ng apo sa kaniyang social media “nasa loob siya ng ICU at isang linggo na rin ang lumipas ng makuhaan ko si lolo Dalds ng larawan sa loob ng kaniyang Hospital bed sa ICU nakita kong lumuhod ito at taimtim na nagdadasal sa edad niyang 86 years old kailanman ay hindi ito nakalimot na palaging magpasalamat sa puong may kapal at sa araw-araw nitong binibigay na biyaya sa kaniya”

Sa kasalukuyan ay pumanaw na ang kaniyang lolo dalds at nagpapasalamat ito sa madaming payo at inpirasyon na naibahagi nito nuong ito’y nabubuhay pa
…
Comments
Post a Comment